Masyadong naging toxic ang buhay-estudyante ko sa nagdaan na dalawang dekada. If I'll assess my self, naging mabuting estudyante naman ako (siguro).
Elementary years:
Sa Notre Dame University-Elementary Training Department, Cotabato City ako nag-grade one at grade two. At sa Arriesgado College Foundation sa Tagum City naman ako nagpatuloy hanggang grade 6. Ang natatandaan kong misyon ko sa buhay sa panahong iyon ay ang makalabas sa Religion class ko at sumilip sa Arabic class, dapat maunang lumabas kapag recess para iwas-siksikan sa canteen, maka-akyat sa puno ng di nahahalata ng yaya ko kapag lunch break, makaganti sa maldita kong katabi na palagi akong pinagbibintangang nangongopya (alam ko pa rin ang pangalan niya), maagang makauwi para manood ng ghost fighter, flame of reca, slamdunk, at fushigi yugi, titpirin ang baon para makabili ng teks, at tapusin at lahat ng assignment bago dumating ang titser.
Highschool years:
Naging mahirap sa aking ang mag-adjust sa bagong eskwelahan. Galing akong private school na kokonti lang ang estudyante kaya ang pag-aaral sa Tagum City National High School ang unang culture shock na naexperience ko. Siyempre, may mga pagbabago sa mga misyon ko sa araw-araw katulad ng panatilihing malinis ang uniform ko kasi hindi ako dapat magmukhang gusgusin tuald ng sa elementary, maghanap ng mga totoong kaibigan (naging mahirap yun, sa totoo lang), awayin ang sarili para hindi na maging mahiyain sa klase, piliting maganda ang grades para hindi lumagpak sa ibang section, tipirin ang baon para makabili ng poster ng F4 at makapag-friendster, at tulad ng ibang teenagers naging misyon ko rin sa buhay ang ma-experience ang magkaboypren pero ewan ko sa sarili ko at ito lang ata ang hindi naging matagumpay na misyo ko noong highschool.
College years:
Klase-klaseng konsekwensya ang nagdala sa akin sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. I don't know even a single soul sa Iligan City nang dumating ako noong May 28, 2007. Kinailangan kong mag-mature to survive, thus my mission in life changed. Mga misyon ko sa buhay noong college; naging una sa lahat ng priorities ko noon kung paano ipapasa ang Math 1, Math 31, at Social Statistics, ipasa ang pinagpuyatan kong i-memorya ang mga scientific names ng mga halamang di ko kilala para sa Biology at NatSci class, pilitin ang utak kong magsulat ng term paper para sa english subjects ko, huwag bumagsak sa Economics class, hindi iiyak kung ako lang mag-isa, magtipid ng bongga para tumagal ng isang buwan ang 3K na allowance, makahanap ng mga totoong kaibigan, huwag maging baduy manamit (walang uniform sa amin), tutruang magbasa ng libro (textbooks) ang sarili, matuto ng iba't-ibang tactics ng pangongopya, develop a network of friends from different colleges para may matakbuhan ka sa subjects mong expertise nila, tuklasin ang kakaibang gimik ng college students (ibang-iba sa college), huwag awayin ng bongga ang thesis-mates mo, magsulat at mag-analyze ng data para sa thesis ninyo kahit di mo na naiintindihan ang nakasulat, huwag sumuko sa laht ng pagsubok kahit feeling mo katapusan ng ng mundo (lalo na kung nakita mo na ang grades mo), at tuparin ang naantala kong misyon noong highschool: ang magka-lablayp (at nangyari naman).
Masaya naman ako sa mga pinagdaanan ko (di lang masyadong halata).
^___^
No comments:
Post a Comment